nutbeak.pages.dev


Homer biography wikipedia tagalog version

Isa siyang bulag na mang-aawit, manunula, at manunulat na nagbuhat sa Chios , isang pulo sa Gresya. Kaunti lamang ang nalalaman tungkol kay Homer. Wala ring katiyakan kung totoo nga ba siya o hindi. Subalit pinaniniwalaang isa siyang naglalakbay na tagapagsalaysay ng mga kuwentong tumutugtog ng kudyapi habang naglalahad.

Homer full name odyssey

Nagtanong si Emperador Hadrian sa propesiya sa Delphi kung sino talaga si Homer, at sinabi ng Pythia na siya ay isang Ithacano, na anak ni Epikaste at Telemachus , mula sa Odyssey. Paulit-ulit na pinagtalunan at tinanong kung iisa nga lang ba ang manunula na responsable sa parehong Iliad at Odyssey. Samantalang marami ang nagsasabi na hindi naisulat ang Odyssey ng isang tao lamang, ang iba naman ay nagsasabi na ang epiko sa kabuuan ay may magkatulad na istilo, at labis ang pagkakahawig para suportahan ang teorya ng maraming pagkaka-akda nito.

Isa pang masusing pagtingin ay ang Iliad ay nagawa ni 'Homer' sa kanyang tamang edad, at ang Odyssey naman ay nagawa niya nang siya ay matanda na. Ang Batrachomyomachia , Himnong Homerico , at ang epikong sikliko ay pangkalahatang sinasang-ayunan na mas nahuli kaysa sa Illiad at ng Odyssey. Bago sumapit ang panahon ni Homer, mga kuwentong nagpasalin-salin lamang ang Iliad at Odyssey mula sa mga bibig ng iba't ibang mga tao.

Isinulat at isinatitik o inilatag sa sulatan ni Homer ang mga "kuwentong-bibig" na ito, sa unang pagkakataon, noong mga BK. Maraming mga dalubhasa ang sumasang-ayon na ang Iliad at Odyssey ay sumailalim sa proseso ng pamamamantayan at pagsasadalisay mula sa lumang mga kagamitan noong simula ng ika-8 dantaon BCE.